Guess who? Suddenly my heart got boom-boom when I saw him looking at me. Harot ne. Hahaha. Pero totoo nagulat ako nung nakita ko siyang pasakay ng bus. First time ko siya makasabay kasi. At medyo matagal na rin yung huli naming pagkikita. Nung una tiningnan niya kung may katabi ako at luckily meron. Umupo siya dun sa bakanteng upuan tapos sabi niya sakin, “Dito ka sa tabi ko.” Tumanggi ako kasi naman malapit na rin ako bumaba saka ewan ko ba. May pumigil sakin na pumayag pero meron pa ring panghihinayang. Gusto ko kasi siya makakwentuhan. Pero eto na ang huling sandali. Para po! Bababa na ako ng bus. Nung pagkatayo ko lumingon siya sakin then I said, “Bye-bye.” Hindi ko na siya hinintay makapagsalita. Yung tipong rush ako. Hahaha. Kahapon pa to. Hindi ko lang napost. Just want to share. Haha. Untitled
“I miss you” Gusto kong sabihing namimiss na din kita pero kailangan kong pigilan. Para din naman sayo kung bakit ako ganito e. Concern ako kaya ayaw ko yung mga ginagawa mo. Even if we’re not talking, I still care for you. I’m looking forward to the day we can be close again. I’m happy for both of you =)
ME Outside:
Inside:
Thanks for the call =”>
It made my day and night. Pambawi siguro niya to dahil kahapon. :))
THIS <3
We’re not texting for about 10 hours. I’m so busy and I guess he’s too busy with school also. Until he texted. Him: <insert tawagan> :| Me: Ow? Napano? Him: Di buo gabi ko pag di kita nakatext e. Me: (kilig) Akala ko napano na e. Him: Big deal yun nuh. Hindi ako makakatulog. Me: Forever Kilig. =”“”“”> Well I think he completes my day. :) I love You <3
These three magic word that he always say and never fails to make me smile. =”> Inconsistent. :/
Alam mo yung feeling na minsan ang saya-saya mo kasi kausap mo yung taong mahalaga sayo. Yung feeling na kumpleto na ang araw mo kahit siya lang makasama o makausap mo. Pero minsan may mga panahon padin na nagkakalabuan o may hindi pagkakaintindihan kayo kaya lang siya parin gusto mong makausap. Hindi ko alam pero minsan may nararamdaman kadin na pagsasawa or pagkabored kasi minsan paulit-ulit nalang kayo. Wala ng bago o kaya man lang yung tinatawag na thrill. Alam ko hindi tama yun pero may pagkakataon na nakakawalang gana. Yung ayos lang sayo minsan kahit isa, dalawa o ilang araw mo siyang hindi makausap para lang hindi nakakasawa. Yung tipong nagpapamiss sa isa’t isa. Ang gulo ko nuh? Daming sinasabi pero hindi malaman kung ano ba talaga point. Parang nararamdaman ko ngayon. Magulo. Sobrang magulo. Yung tipong sasabog na utak mo kasi pati utak mo nalilito kung ano ba unang iisipin sa dami. Get over.
Nung isang araw may pinanuod kaming isang video. Matagal ko na napanuod yun ng paulit-ulit kaya alam ko na. Pero…. hindi ko pa pala alam yung bawat details yung video. Nagulat ako na parang nasa may background siya. Shocks. 0_0 Bilis ng tibok ng puso ko. Matagal na simula nung huling nangyari yun. Ayun yung huling nakita ko siya. Nakakainis yung feeling na yun kasi parang sasabog na yung dibdib ko tapos parang hihimatayin na. Alam ko OA pero ganyan talaga yung feeling ko. Akala ko mali lang ako ng tingin kaya tiningnan ko ulit pero siya nga. Bat ganito feeling. Hayy -_- Iniisip ko lang pano kung makita ko siya ulit tapos kausapin niya ako or tumingin siya sakin. Anong gagawin ko? Ngingiti ba ako o dedma lang? Baka matulala nalang ako nun. Pero iddare ko sarili kong kausapin siya. I should get over of him. SineMON
So pano ko nga ba sisimulan yung kwento ko. Hahaha. Hanggang sa pagttype kasi kinikilig ako. LOL arte ko. Well, eto na nung kagabi palang hindi na ako makatulog kasi iniisip ko kung ano ba mangyayari ngayong araw. Bukod sa hinihintay ko si Mama makauwi e nakidagdag pa yung insomia ko. Edi late na ako nagising. Okay lang naman kasi hapon pa kami magkita. 3pm na kaya naligo na ako. Syempre ayaw ko na malate kasi dati 30 mins ko ata siya pinaghintay kaya nahihiya na ako. 3:30 nakaayos na ako. Aba! Etong kapatid ko pala sasabay sakin papuntang Balanga. 4pm na tuloy kami nakaalis ng bahay tapos wala pang dumadaan na minibus. Panic na si Lola mo. Kaya tinext ko siya na baka malate ako. 4:30 kasi yung usapan baka mabagal pa yung andar bus kaya ayun. Nakarating ako mag5pm na. Kaya takbo ko ng takbo. Pagdating ko sakanya hingal na ko. Sabi ko nalang wait ha. Hihinga lang ako. Hahaha. Natawa din siya. Edi bumili na siya ng ticket. Moron 5 and the Crying Lady lang yung magandang palabas. Kaya ayun nalang pinanood namin. Oo. Comedy nanaman. Dati kasi nanuod kami comedy rin. Edi ayan na hanap na kami ng mauupuan. Wala masyadong tao kaya hindi mahirap pumili ng upuan. Pagkaupo namin inakap agad ako. Nagulat naman ako kaya hindi ako makasandal kasi yung braso niya nasa may likod ko. Edi ayun pinapasandal niya ako eh mejo hinihika na ata ako sa hingal. Sabi ko mamaya na. Hahaha. Hindi ko na kkwento lahat ah. Sakin nalang yun. Hahaha. Hindi kami masyado nag-uusap. Tingin lang. Tawa. Tingin ulet. Hahaha. Basta puro ganun. Siya kasi yung naglalambing. Sama ng pakiramdam ko eh. Para ata kong nilalagnat. Nagluluha pa nga ako saka pinapawisan eh kahit malamig dun. Kaya kapag hindi ko siya pinapansin tumatahimik nalang siya. Ayaw ko pang tumayo kahit natapos na namin yung palabas. Ayaw ko kasi magkahiwalay na kami. Alam ko kasi baka iyun na yung last. Humihingi pa nga ng kiss saka hug. Sabi ko WALA! Kaya ayun tatahimik siya. Haha. Kaso may epal na tumawag sakanya tapos kailangan na niya umuwi kaya ayun lumabas na kami. Naglakad kami papunta dun sa motor niya mejo malayo din kasi kung san siya nagpark. Sabi niya isasakay na daw niya ako ng trike papunta dun sa hospital dadalaw kasi ako sa Tito ko. Sabi ko hindi na. Lalakad nalang ako para exercise na rin kako. Ayaw niya pumayag hanggang sa pinilit niya ko sumakay dun sa motor niya. Hahatid na raw niya ako. Edi ako naman napilit na kasi nakasakay na siya. Habang papunta na kami gusto ko yumakap sakanya pero hindi ko magawa. Nahihiya ako. Waaaah. Hahaha. Landi ko naman. Humawak nalang tuloy ako sa balikat niya tapos nandito na kami sa Hospital. Ayaw ko nga bumaba eh. Balak ko pa naman ikiss siya sa cheeks lang ha. Bago pa ko bumaba para goodbye kiss. Kaso eto nanaman si HIYA hindi ko nagawa tapos nauwi sa wave hand nalang at bye. Muntik ko pa nga makalimutan magthankyou eh. Hayyy. Sana kung kaya ko lang ibalik oras tapos pahintuin yun ginawa ko na. Ngayon tuloy ako nanghihinayang. Hahaha. Well, that’s for today. Friend: Crush ka niya siguro.
and I was like
Kinikilig talaga ko ngayon. =”>
Mga lalaking paasa,
AKO TALAGA TARGET NIYO? Is it possible for us to be…
Lutang
Ganito kasi yun mga 2 days ata kaming hindi nagkatext tapos nung nagtext siya sasabihin ko dapat mis na kita kaya lang bigla pagkabasa ko sa phone lab na kita yung natype. hahaha. natawa tuloi ako. btw share ko lang ah. :D Oo! Nakaget-over na ko sayo. HAHAHA :D
1
2
3
4
Next
|
AWESOME BLOGGER
I'm Elizah Faith Santos Cruz.
ELAI for short.
I love GOD.
I'm a proud Letranite.
I bleed blue and red.
3rd year BS Information Technology.
TUMBLR-ing makes my day complete.
I post about my life, it serves as my diary.
If you want to follow your dreams, start following me NOW.
![]() ![]() I'm following:
|