|
HAPPY ELAI :)
At dahil matagal na ang huli kong blog. Magkkwento ako. Wala na kasi siyang kasamaan ng loob. Mayroon kasi akong medyo Mas nauna kong nakaayos yung isa. Nagkausap. Nagkapaliwanagan. Nagkaintindihan. at Nagkaayos. In short. Okay na okay na kami at sinisimulang ibalik ang dating samahan. Tapos lately nagkaayos na rin kami nung isa. Although madaming mga Hindi ko na ikkwento ng full details kasi baka Friends are always friends. Guess who? Suddenly my heart got boom-boom when I saw him looking at me. Harot ne. Hahaha. Pero totoo nagulat ako nung nakita ko siyang pasakay ng bus. First time ko siya makasabay kasi. At medyo matagal na rin yung huli naming pagkikita. Nung una tiningnan niya kung may katabi ako at luckily meron. Umupo siya dun sa bakanteng upuan tapos sabi niya sakin, “Dito ka sa tabi ko.” Tumanggi ako kasi naman malapit na rin ako bumaba saka ewan ko ba. May pumigil sakin na pumayag pero meron pa ring panghihinayang. Gusto ko kasi siya makakwentuhan. Pero eto na ang huling sandali. Para po! Bababa na ako ng bus. Nung pagkatayo ko lumingon siya sakin then I said, “Bye-bye.” Hindi ko na siya hinintay makapagsalita. Yung tipong rush ako. Hahaha. Kahapon pa to. Hindi ko lang napost. Just want to share. Haha. Today is not that good but tomorrow will be good.
Iyak. Iyak. Iyak. Maganda ang simula ng umaga ko kasi syempre another day na binigay ni Lord kaya dapat ipagpasalamat. Nakapasok ako ng maaga kulang nga lang sa tulog. Maghapon wala kaming ginagawa, yung tipong holiday nanaman sa klase namin kasi nga walang klase palagi. Sakto pa 3 hrs vacant kami. Nung last subject na, wala pa ring nangyari. Sobrang sayang ang oras. Imbis na nagagamit sa makabuluhang gawain e walang napala. Eto ang inis part. Bigla sinabi na kailangan naming ipasa yung Chapter 1-3 ng docu namin at kailangan ringbound na ito in 3 copies. OMG! Pano yun? Biglaang sasabihin? Parang kaming robot na may maibibigay kaagad sa kanila? No! Atleast sana kung binigay nila yung deadline ng mas maaga kaso kinabukasan na kaagad nila gusto. Hapon pa nila sinabi, sana naisip man lang nila nung umaga. Kesa nakatunganga lang kami, may nagawa sana kami at hindi nagrrush. Namili kong ice cream nung pauwi na. Gusto kong pasiyahin yung sarili ko. Nagpahangin muna sandali sa labas at umuwi na.
Akala ko pa naman okay na ko sa pag-uwi ko pero hindi pala. Doorbell. Katok. Pray. It really help me a lot especially in this kind of feeling. GoodMorning!
Medyo matagal tagal na yung huli kong Text Post. And namiss ko siya. Hahaha. Pramis madaming akong kwento kaso kapag nasa harap na ko ng Lappy bigla nalang nawawala sa isip ko. Hindi ko alam ano uunahin ko ishare so hindi ko nalang nasshare. Hahaha.
Kaya pala kako kaliwanag kahit nakapikit ako. Hahaha. Nakakasilaw. Ginigising na pala ko ni Lord kasi kailangan ko na magDevotion. Start my day with a smile :) STAY AWESOME FOREVER :*
December 15, 2012
0 notes /
6 months ago
TAGS: birthday diary me friends happiness foreveryoung 19th party thankyou photo Antok z_z
Yung feeling na kapag iba yung may birthday ay gising na gising ka para mabati mo sila ng 12am. Pero bat ngayon kung kailan birthday ko, dun naman ako inaantok. 12.12.12 (latepost)
San ko ba sisimulan ang kwento? Syempre sa umaga muna tayo. Haha. It’s a good morning for me. Nagbasa ng Bible then Pray. That’s how I start my day kasi. Everyday. Hindi ako late sa shuttle. So happy. :)) It’s wednesday at ang klase ko ay hanggang 2pm lang. So plano ko pumunta ng SM to buy something. Klase. Klase. Last subject na at cheking of papers nalang tapos uwian na. Biglang….. Oops! Pumasok si Dean, Dr. Love and mga IT Professors. Pinag-usapan ang mga issue chuchu. umabot ng 3:30pm. OMG! Baka hindi na ko makaalis nun. Finally habang pababa kami ng bundok naisip ko tumuloy na sa SM. Solo flight ako sa pagbyahe. Pero okay lang naman. :) 1 hr lang yung byahe sobra bilis. Madaldal din si Manong Kundoktor kaya nalibang ako. HAHA. Nasa SM na ko. Diretso sa Department Store para maghanap ng coat. Iyun naman talaga pakay ko e. Haha. May nahanap ako pero hintayin ko muna yung pinsan ko para matanong ko ano mas maganda. Nasa Clark kasi siya sabay kami magddinner saka may ipapauwi siyang gamit.
At dumating na nga pinsan ko. Nagpunta na kami sa Department Store. I bought the coat. Then kumain kami sa Chowking. Para tipid. :))
After niyan. Uwian na. Gabi na rin kasi. Medyo matagal yung byahe naming dalawa. AKo papuntang Bataan, siya naman Clark. Pero bumili muna ko pasalubong dun sa dalawa kong kapatid. Para naman matuwa. Hahaha.
Habang nasa bus na ako. Di ko mapigilan yung antok ko. Napipikit na ako. Pero kailangan labanan kasi baka lumagpas ako. Kaya konting pikit lang ginagawa ko. Hahaha. Then. I’m home.
Untitled
“I miss you” Gusto kong sabihing namimiss na din kita pero kailangan kong pigilan. Para din naman sayo kung bakit ako ganito e. Concern ako kaya ayaw ko yung mga ginagawa mo. Even if we’re not talking, I still care for you. I’m looking forward to the day we can be close again. One Night
I always have this feeling of sadness. I don’t know why. But I feel alone and I don’t have anyone to talk to. Everybody’s sleeping and I’m the only one whose awake. Blogging atleast makes me feel good. Exams Done.
Tapos na! Magdiwang ang lahat. Yari na ang puyatan dahil sa pagbabasa ng mga notes, pagsusulat ng reviewer at nakakaiyak na mga slideshows. Nung 1st day ng exam medyo nakapagreview naman ako kaya confident pumasok. Pag-alis ko ng school, aruy! may naiwan ako sa bahay. Ballpen? Hindi. Permit? Hindi. Notes? Hindi rin. Contact Lens? Oo! Oo! Oo! Pano na ko neto kung malabo mata ko. In short pano na kung hindi ko alam yung sagot hindi ako makakapagtanong. Well, hindi naman ako nagpanic masyado kasi naisip ko baka sinadya ni Lord yun para hindi ako maakit na mangopya. At maayos naman ang unang araw ng exam. 2nd day na. Patay hindi ako nakapagreview. 3 tatlo pa naman yung exam ko. Ea malalate pa ata ako. Wag naman sana kasi mahirap sumakay kapag umuulan. At kailangan ko pa magreview. Tenen! Naiwan ko nanaman si contact lens. Ayt. This is it. Kailangan ko talaga maging honest sa exams ko. Sobra akong nanghina sa araw na to kasi yung comp 205 na akala ko madali ay hindi pa. Hinding hindi siya madali nuh. Kahit may choices ka eh kung matching type naman at 30 items siya. Wala kang choice kundi mangbano nalang. :D 3rd day = last day. Well nalate ako ng gising sa araw na to. At hindi pa ko nagrereview masyado sa exam ko. At accdg. sa prof ko mahirap daw ang exam. Pero about naman sa contacts ko. Pinag-isipan ko siya kung isusuot ko and then I decided to leave it nalang. Hahaha. Bakit pa? Eh may sarili naman akong sagot diba? Sa huli ay napagtagumpayan ko ang exam. Iiwanan nalang natin ang tanong na. Nakapasa ka ba sa mga exams mo? Ayan ang patuloy kong pinagppray. Godbless! All of a sudden it’s gone =’(
At eto na nga ang pinakamalungkot na part ng buhay ko. Hahaha. Jk. Overacting lang ako. Yung 2 or 3 yrs kong boyfriend ay iniwan na ako. Ang minamahal kong cellphone. Sana masaya ka kung nasan ka man pero i’m sure sakin ka lang masaya kaya sana bumalik ka na. Tatanggapin padin naman kita eh. Basta you will be missed. :’( Pissed off >.<
Yung tipong buong araw mo hinihintay na magtext siya kahit blank message lang pero wala. Inisip ko nalang busy pero sana naman kahit isang text nagsabi siya. 10pm nagtext siya. Nagssorry kasi may tinapos choo choo daw siya tapos sa dulo ng text Goodnight. Eh ano daw yun? Hindi man lang ako nagawang kamustahin. Badtrip lang talaga. Alam ko mahirap yung ginawa niya pero ako naman nagtetext ah para ipaalam or mangamusta. Well sabi nga wag na lang mag-expect kasi kagaya neto dissapointed lang ako. >.< Awesome Friday the 13th!
Masaya ang Friday ko. Ibullet ko nalang pala hindi mahaba kwento.
Nasa tao lang yan. Wala naman talagang malas o swerte. Just pray and everything will be alright. And don’t forget to smile. :)
Baka ikaw :D
Napag-usapan namin yung isa kong friend. May crush kasi siya at nagkakamabutihan na sila. Eh nameet ko yung guy. Super approved naman ako kasi gwapo, mabait saka tahimik lang yung guy. Edi ayun na nga kausap ko tong epal kong kaibigan. Sorry sa epal hmm…papansin nalang. Hahaha. Sabi ba naman niya, “Napapag-iwanan na tayo ah.” Iwan your face. Siguro ikaw lang kasi ako masaya ang buhay pag-ibig ko kahit walang bf. Hahaha. Damay pa kasi ako eh siya lang naman yun. :D
What will you choose?
Kaninang umaga nagmamadali na ako maglakad palabas ng bahay. Edi nasa may daan na ako. Habang nag-aabang ng bus kinapa ko yung cp sa bulsa ko. Wala akong nakitang phone. Hala! Naiwan ko nakacharj sa bahay. Patay na. o.o I want to comeback really. Pero yung bus natatanaw ko na at malapit na sakin. Kung pipiliin kong balikan yung phone ko baka matagal ulit akong maghintay ng bus. So I decided to stay and get on the bus. :(( I think it’s like when you have choices between the past and future. Kapag piniling mong balikan ang nakaraan kahit na alam mong nandyan lang si future ay mawawala siya. Dahil hindi ka hihintayin ni future. Matagal mong hinintay dumating ang future pero kung papalagpasin mo ang pagkakataon ay pwedeng matagal ulit ang iyong paghihintay. At hindi na iyon magiging kagaya ng unang future na pinalampas mo. Bow. :D PS: Maghapon akong malungkot dahil wala yung phone ko sa aking tabi. -____- 1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Next
|
AWESOME BLOGGER
I'm Elizah Faith Santos Cruz.
ELAI for short.
I love GOD.
I'm a proud Letranite.
I bleed blue and red.
3rd year BS Information Technology.
TUMBLR-ing makes my day complete.
I post about my life, it serves as my diary.
If you want to follow your dreams, start following me NOW.
![]() ![]() I'm following:
|